
Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame, sinabi ni Manila Police District (MPD) Dir. PBGen. Arnold Abad na nasa humigit kumulang na 800 na Hijos-Pulis ang ipapakalat para sa karagdagang seguridad sa nalalapit na Translacion o Pista ng Hesus Nazareno.
Kung saan, tutulong ang mga nasabing Hijos-Pulis na pawang mga deboto rin sa pagbabantay sa andas ng Nazareno kasama ng mga hijos del Nazareno.
Ayon kay Abad, na ang mga Hijos del Nazareno ang magsasanay at magtuturo sa ang mga nasabing magiging Hijos-Pulis.
Kaugnay nito, nasa mahigit 18 libo ang inaasahang i-de-deploy ng Philippine National Police (PNP) kasama ng mga force multipliers para tiyakin ang seguridad sa nasabing nalalapit na pagtitipon.
Facebook Comments










