Humigit kumulang P1 million na halaga ng pinaghihinalaang shabu, nasabat sa magkakahiwalay na operasyon sa QC

Pumapalo sa mahigit 120 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P800,000 ang nasabat sa apat na pinaghihinalaang pusher sa buy bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City.

Kinilala ang unang naaresto na si Leonardo Madarang y Baliwas alias “Nono”, 45-anyos, nasa listahan bilang regional drug priority target at residente ng Sinagtala, Brgy. Bahay Toro, Project 8, Quezon City.

Si Madarang ay naaresto ng mga operatiba ang Station Drug Enforcement ng Police Station 14 at District Drug Enforcement Unit (DDEU) kung saan nakuha sa kaniya ang 100 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P680,000 habang sina Arthur Pangilinan alias “Kuya”, 53-anyos at Mateo Rublico, 46-anyos, kapwa residente ng Commonwealth Ave., Brgy. Fairview, Quezon City; at ang kanilang kasamahan na si Mark Anthony Magtibay, 38-anyos, residente ng Brgy. Culiat, Quezon City ay naaresto sa Brgy. Fairview, Quezon City.


Nakumpiska sa tatlo ang 20 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P136,000, buy bust money, sling bag at digital weighing scale.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang mga suspek.

Facebook Comments