HUMIHIRIT | 12 pesos minimum fare sa mga modernong jeepney, isinusulong

Manila, Philippines – Humihirit ng P12 minimum sa pasahe ang ilang transport group para sa modernong jeepney na target ipasada simula Hunyo.

Ayon kay Obet Martin, Presidente ng Pasang Masda, kailangan nang taasan ang pasahe para makaagapay ang mga driver sa pagtaas ng presyo ng langis at ng pangunahing bilihin.

Sabi naman ni FEJODAP President Zeny Maranan, na kampante silang maiintindihan ng mga pasahero ang taas-pasahe lalo at kapalit nito ay ginhawa at kaligtasan sa pagsakay sa makabagong jeepney.


Sa katapusan pa ng Mayo ang susunod na pagdinig ng LTFRB ukol sa petisyon na gawing P10 ang pasahe sa ordinaryong jeepney.
Bukod sa petisyong dagdag-pasahe, nakikiusap din ang transport groups sa mga bangko ng gobyerno na luwagan pa ang rekisito para makautang ng pambili sa bagong jeep.

Facebook Comments