Humihirit! Extension sa Drinking Hours!

Baguio, Philippines – Hiniling ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan sa publiko na maki-alam at magbigay ng opinyon sa nakahaing curfew ordinance sa lungsod.

Muling pinaalala ni Mayor Domogan na hindi dapat makilala ang Baguio City bilang isang “Drinking City”, lalo pa’t karamihan ng krimen na nairereport sa pulisya ay konektado sa alak.

Dinagdag pa ni Mayor Domogan na dahil umano sa limitadong drinking hours sa La Trinidad ay lumilipat ang ilan sa Baguio City upang uminom kaya hindi rin umano siya sang-ayon na i-extend ang nasabing curfew time, ngunit possible umano ang mas maagang pagbubukas para sa mga establisyimento.


Idol! ikaw payag ka ba na extension sa drinking hours?

Facebook Comments