HUMILING | De Lima, humirit sa Korte Suprema na payagan siyang dumalo sa oral arguments kaugnay ng pagkalas ng Pilipinas sa ICC

Manila, Philippines – Nais ng nakadetineng si Senadora Leila De Lima na makadalo sa oral arguments ng Supreme Court (SC) sa kaugnay ng consolidated petitions na kumukwestyon sa ligalidad ng pagkalas ng pamahalaan sa Rome Statute ng International Crimimal Court (ICC).

Sa manifestation ni De Lima sa SC, inihirit nito na payagan siyang personal na dumalo sa oral arguments para i-represent ang kanyang sarili bilang isa sa mga petitioner sa kaso.

Kasama si Delima ng limang iba pang opposition senators na naghain ng petition for certiorari noong May 18, 2018 na kumukwestyon sa constitutionality ng pagkalas ng Duterte Administration sa Rome Statute nang walang pag-sang-ayon ng Senado.


Naniniwala ang mga petitioner na nagkaroon ng pagmamalabis ang Pangulong Duterte at nilabag ng Duterte Administration ang 1987 Constitution nang magdesisyon itong na kumalas sa Rome Statute sa kabila nang walang pagsang-ayon ng Senado.

Paliwanag ng mga petitioner, hindi maaring basta nalang magdesisyon ang executive department nang walang pag-apruba ang lehislatura at ipawalang bisa ang naging aksyon ng Senado nang lagdaan ang treaty sa ICC.

Facebook Comments