Sa isang pribadong pulong kay Pope Francis sa rome, italy ay hiniling ni Sen. Bam Aquino na ipagdasal nito ang Pilipinas at mahihirap na Pilipino sa gitna ng hamon na kinakaharap ng bansa.
Ibinigay rin ni Sen. Aquino sa Santo Papa ang ang mga sulat galing sa mga miyembro ng ilang religious groups sa bansa, tulad ni Bro. Armin Luistro ng Purple Cross Movement.
Ayon kay Sen. Bam, isa sa mga laman ng sulat ay kahilingan sa Santo Papa na ipagdasal ang paghinto ng karahasan sa bansa at ipinalangin ang kapakanan ng mga naulila sa drug war ng pamahalaan.
Nagkaroon ng pagkakataon si Sen. Bam na makausap ang Santo Papa bilang kinatawan ng bansa sa 9th Annual Meeting of the International Catholic Legislators Network.
kaugnay nito ay inihayag naman ni Sen. aquino ang mensahe ni Pope Francis sa mga Katoliko na tumayo para sa Diyos at sa mga kapwa Pilipino nang may buong pagpapakumbaba at katapangan, kahit ano pa man ang sitwasyon.