Hiniling ni Opposition Senator Leila M. De Lima sa United Nations Human Rights Council o UNHRC na magpadala ng independent fact-finding mission sa Pilipinas.
Sa ipinadalang liham, ay sinabi ni De Lima na ito ay para imbestigahan ang all-out war on drugs na ikinasa ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Giit ni De Lima, mahalaga ang agarang aksyon ng UNHRC sa tumitinding kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa ating bansa.
Umaasa si De Lima na tutulong ang UNHRC para mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng extrajudicial killings o EJK at pag-abuso sa karapatang pantao.
Ipinunto ni De Lima na nasa 37 lamang ang drug war-related killings na iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) habang nasa 71 kaso lamang ang nagawang imbestigahan ng Department of Justice (DOJ) at 19 lamang dito ang naisampa sa korte.