HUMINA | Hurricane lane, ibinaba sa category 4 habang tinutumbok ang Hawaii

Bahagyang humina ang hurricane lane habang papalapit ito ng Hawaii.

Base sa U.S. Central Pacific Hurricane Center, ibinaba sa category 4 ang bagyo, ito ang second-strongest ayon sa Saffir-Simpson Scale kung saan sinusukat ang wind intensity.

Dala nito ang lakas ng hanging aabot sa 250 kilometers per hour at inaasahang magbabagsak ng 50 centimeter na ulan sa halos buong isla, na magdudulot ng flash flood at landslides.


Nakataas ang hurricane warning sa Hawaii county at Maui county, kabilang ang mga isla ng Maui, Lanai, Molokai at Kahoolawe habang epektibo ang hurricane watch para sa Oahu at Kauai.

Facebook Comments