HUMINA | Pagbuwag ng ilang palaisdaan sa Laguna de Bay, nagdulot ng paghina ng produksyon ng bangus

Inalmahan ng ilang grupo ng mga mangingisda ang pagbubuwag ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) sa ilang palaisdaan sa Laguna de Bay.

Ayon kay Atty. Joel Dizon, tagapagsalita ng Bangus Industry Stakeholders and Dealers Alliance (BISDA) – humina ang kanilang produksyon ng isda gaya ng bangus.

Paglilinaw naman ni LLDA General Manager Joey Medina – hindi pangmatagalan ang magiging epekto ng limitasyong ito sa produksyon ng bangus.


Sa tala ng BISDA, kung dati ay nasa 200,000 kilo ng bangus ang nakukuha sa Laguna Lake kada araw ay bumaba na ito ngayon sa 70,000 hanggang 100,000 kilo.

Ang presyo nito sa merkado ay pumapalo na sa 180 hanggang 200 pesos kada kilo mula sa dating ₱120.

Handa namang makipagdayalogo ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga apektadong mangingisda.

Facebook Comments