HUMINGI NG PAUMANHIN | Presidente ng UST Alumni Association, nagbitiw sa pwesto

Manila, Philippines – Nagbitiw na sa pwesto ang presidente ng University of Santo Tomas Alumni Association Inc., (USTAAI).

Ito ay sa gitna ng pagtuligsa sa paggawad ng government service award kay Presidential Communications Operations Office Assistant Sec. Mocha Uson.

Sa kanyang liham, kinumpirma ni USTAAI President Henry Tenedero ang kanyang pagbibitiw sa puwesto kasabay ng pag-ako ng responsibilidad sa mga pangyayari.


Humihingi rin siya ng paumanhin at ang samahan sa administrasyon ng unibersidad at sa kanilang father rector, mga estudyante at sa publiko dahil sa idinulot na kontrobersiya ng isyu.

Gayunman, iginiit ng USTAAI na hindi nila babawiin ang Thomasian Alumni in Government Service Award na iginawad na kay Uson.

Una na ring naghain ng kanyang resignation si Office of the Alumni Relations Director Cherry Tanodra.

Nilinaw rin nila na walang kinalaman si Tanodra sa ibinigay na pagkilala kay Uson.

Facebook Comments