HUMINGI NG TULONG | DepEd Usec. Umali – nagpasaklolo na sa NBI dahil sa kumakalat na fake news

Manila, Philippines – Nagpasaklolo na sa National Bureau of Investigation (NBI) si DepEd Usec. Tonisito Umali.

Kaugnay ito ng pagkalat ng aniya ay fake news laban sa kanya.

Sa isang social media post, sinabi raw ni umali na parami nang parami ang tumatabang mga guro kaya nagpatupad ang ahensya ng weight limit sa hiring.


Giit ng opisyal, kahit kailan ay wala siyang ganitong pahayag.

Apela niya sa publiko, maging responsible sa pagpapakalat ng impormasyon at huwag basta nagpo-post ng mga bagay na nakita lang sa mga social media sites nang walang ginagawang beripikasyon.

Umabot na sa 11,000 shares at libu-libong likes at comments ang naturang fake news.

Facebook Comments