Manila, Philippines – Humirit na ng dagdag na sahod ang labor group na Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) kasunod ng ipinatupad na P1 provisional fare increase para sa Public Utility Jeepney (PUJ) sa National Capital Region (NCR) at sa Regions 3 at 4-A.
Pero, nilinaw ni ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay na hindi ito nangangahulugan na kontra sila sa ibinigay na dagdag pasahe.
Sa katunayan, apektado pa rin talaga ang mga transport sector sa hindi na pangkaraniwang pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo, bilihin at serbisyo.
Sinabi pa ni Tanjusay na nakaamba na rin ang pagtaas sa pamasahe sa pampasaherong bus at LRT fares.
Dahil dito, napapanahon na para magkaroon ng adjustment ang 512 pesos ang arawang minimum wage sa Metro Manila para makaramdan ng ginhawa ang nga manggagawa sa harap ng nagbabagong kalidad ng pamumuhay.