HUMIRIT | Angkas app provider, humiling sa SC na bawiin ang pinairal na TRO

Manila, Philippines – Naghain ng very urgent motion sa Korte Suprema ang grupong DBDOYC Inc., na siyang provider ng Angkas App.

Hiling ng grupo sa Supreme Court (SC) ang agarang pagbawi sa Temporary Restraining Order (TRO) laban sa pasya ng Mandaluyong Regional Trial Court laban sa LTFRB.

Setyembre nang pagbawalan ng Mandaluyong RTC ang LTFRB na hulihin ang mga motorcycle rider na gumagamit ng Angkas app para magsakay ng pasahero.

Ayon sa provider ng Angkas app, paglabag sa karapatan para sa due process ang TRO dahil hindi pa naririnig ng Korte Suprema ang kanilang panig.

Hindi rin anila sinunod ng LTFRB ang hierarchy of court dahil dumiretso agad ito sa Kataas-taasang Hukuman gayong maari pa namang maghain ng motion for reconsideration sa Mandaluyong RTC o kaya ay sa Court of Appeals (CA).

Wala rin anilang hurisdiksyon ang LTFRB sa mga tulad nilang Transport Network Company (TNC) dahil wala pang batas para sa regulasyon nito.

Facebook Comments