HUMIRIT | DOLE, humiling sa Kuwait government na dito sa bansa gawin ng MOU signing na magpapatibay sa proteksyon ng mga OFWs

Manila, Philippines – Sinabi ni Labor Undersecretary Claro Arellano, na hiniling nila sa pamahalaan ng Kuwait na dito sa Maynila gawin ang negosasyon kaugnay sa Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng dalawang bansa upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga OFWs.

Ayon kay Arellano, ilan sa mga lalamanin ng nasabing kasunduan ay ang pagpayag na hawakan ng mga OFWs ang kanilang mga pasaporte o di kaya ay hayaan ang mga itong iwan sa mga Philippine Labor Attaché ang kanilang passport.

Ire-request rin na hayaan ang mga OFWs na manatili sakanila ang kanilang mobile phones para sa komunikasyon.


Ayon kay Arellano, inaasahan na sa susunod na linggo mapa-finalized na ang mga lalamanin ng Memorandum of Understanding, habang sa ikalawang linggo naman ng Marso, nakatakda ang pagpirma ng dalawang bansa.

Facebook Comments