Manila, Philippines – Inamin ng aktres na si Ina Raymundo na gusto pa niyang magka-baby.
Sa kasalukuyan, lima na ang anak ng 42-year old actress sa asawa niyang si Brian Poturnak.
Say ni Ina, gustung-gusto niya raw talaga ‘yung pakiramdam na may baby, may kinakargang baby, may bine-breastfeed at lahat ng tungkol sa pagiging mommy.
Kung siya lang daw talaga ang tatanungin, game na game siyang magka-baby ulit pero ayaw na raw ng kanyang mister.
Bukas naman si Ina sa ideya ng pag-aampon pero dadaan pa ito sa pag-uusap nila ni Brian.
Sa ngayon, abala ang aktres sa mga proyekto niya sa showbiz pero tiniyak na binibigyan pa rin niya ng time ang kanyang mga anak kapag wala siyang taping.
Facebook Comments