HUMIRIT | Kampo ni sister Fox, pinababaligtad sa DOJ ang deportation order

Manila, Philippines – Muling hiniling ni Australian Missionary Sister Patricia Fox sa Department of Justice (DOJ) na baligtarin ang deportation order ng Bureau of Immigration (BI) laban sa kaniya.

Sa kanyang sagot na isinumite sa DOJ, binanggit ni Fox ang karapatan sa free expression at payapang pagtitipon sa ilalim ng 1987 constitution.

Iginiit pa ni Sister Fox na hindi lamang ito para sa mga Pilipino kundi para rin sa mga dayuhang tulad niya.


Nanindigan rin si Sister Fox na hindi dapat unilateral ang pagbawi sa kanyang missionary visa at dapat aniyang binigyan siya ng pagkakataon na ihayag ang kanyang panig bago ang desisyon sa BI.

Una nang sinabi ng BI na nilabag ni Fox ang panuntunan ng pananatili nito sa Pilipinas.

Dahil wala ng missionary visa at may deportation order, pwede lamang manatali sa bansa si Fox hanggang magdesisyon ang DOJ sa kanyang apela.

Facebook Comments