HUMIRIT | Naarestong wanted na si Ardot Parojinog humiling na ilipat sa NBI ang kanyang kaso

Manila, Philippines – Humiling si Ardot Parojinog sa Department of Justice (DOJ) na mailipat ang kanyang kaso sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ito ang napag-alaman ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayale mula sa kampo ng mga Parojinog.

Si Ardot Parojinog ay kapatid nang napatay na si Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog na sinampahan ng kasong Illegal Possession of Firearms matapos na makakuha ng mga armas noon sa kanilang bahay sa Ozamis City.


Naaresto si Ardot sa Taiwan matapos ang sampung buwang pagtatago.

Ayon kay General Albayale ipinauubaya niya na sa DOJ ang pagdedesisyon sa kahilingan ni Ardot Parojinog

Kung ano aniya ang magiging desisiyon ng DOJ ay kanila lamang itong susundin.

Sa ngayon aniya nasa custody pa rin ng Taiwan Police si Ardot dahil sa kinakaharap nitong Illegal Entry sa Taiwan.

Kapag naresolba na ang kanyang kaso sa Taiwan ay bago lamang ito makakabalik sa Pilipinas para harapin maman ang kanyang kaso.

Facebook Comments