HUMIRIT | P1 discount sa produktong petrolyo, hirit ng isang jeepney transport group

Manila, Philippines – Humirit ng pisong diskwento sa kada litro ng produktong petrolyo ang grupong Fejodap.

Ayon kay Zeny Maranan, National President ng Fejodap, mas mabuting ideretso na lang gobyerno ang tulong sa mga gasolinahan sa halip na cash card o fuel voucher ng pantawid pasada program ang ibigay sa kanila.

Nais naman ni Obet Martin, National President ng Pasang Masda na dagdagan na lang ang pondo para sa PUV modernization program ng gobyerno.


Sa ngayon kasi sa mga operator na may lihitimong franchise sa LTFRB nakapangalan ang cash card.

Nilinaw naman ng LTFRB na ang pantawid pasada program ay ayuda lang ng gobyerno sa mga tsuper.

Facebook Comments