HUMIRIT | Presyo ng mga produktong pang-Noche Buena, nakaambang tumaas

Manila, Philippines – Muling humihirit ang mga manufacturer ng mga produktong pang-Noche Buena ng 3 hanggang 8 porsiyentong dagdag-presyo sa Disyembre.

Pero ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, pag-aaralan pa nila ang mga hirit na ito.

Magugunitang nakapako hanggang Nobyembre ang presyo ng mga bilihin.


Samantala, muli namang nagbabadya ang pagtaas ng presyo ng langis sa susunod na linggo.

Muli kasing nagmahal sa pandaigdigang merkado ang imported na diesel, kerosene at gasolina.

Facebook Comments