HUMIRIT | Trillanes, humiling sa korte na payagang makalabas ng bansa

Manila, Philippines – Hiniling ni Senador Antonio Trillanes IV sa Makati City Regional Trial Court Branch 150 na payagan siyang makalabas ng bansa kabila ng Hold Departure Order (HDO) laban sa kaniya.

Sa kaniyang mosyon, sinabi ni Trillanes na inimbitahan siya sa ilang pagtitipon sa The Netherlands, Spain at United Kingdom mula Disyembre hanggang Enero 2019.

Habang makikipagkita naman aniya siya sa ilang grupo sa Amerika sa Pebrero.


Nakalakip naman sa mosyon ni Trillanes ang travel order na pirmado ni Senate President Tito Sotto III.

Mababatid na nakabinbin pa rin sa Makati RTC Branch 150 ang motion for reconsideration ni Trillanes matapos ipabawalang bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang amnesty.

Facebook Comments