HUNDRED ISLANDS NATIONAL PARK AT LUCAP PARK, HINDI NA MUNA TATANGGAP NG BISITA TUWING LINGGO

ALAMINOS CITY, PANGASINAN – Hindi na muna papayagan ang pagpasok ng mga bisita sa Hundred Islands National Park at Lucap Park sa lungsod ng Alaminos tuwing araw ng Linggo ngayong buwan.

Base sa Executive Order No. 69 s. 2021, magsisimula ang nasabing kautusan ngayong araw ika-3 ng Oktubre at magtatagal sa ika-31 ng Oktubre.

Magsasagawa ng general disinfection ang lokal na pamahalaan sa mga pasilidad nito bilang pag-iingat sa COVID-19.


Itinakda ring No Movement Day ang araw ng linggo sa bayan.

Ibig sabihin hindi papayagang lumabas ng kanilang tahanan ang sinumang indibidwal maliban na lamang kung ito ay APOR.

Ang linggo ay inilaan din para sa pribado at pampublikong establisyemento na magsagawa ng disinfection at decontamination sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments