Binuksan muli ang Hundred Islands National Park para sa publiko bilang mananatili ang Pangasinan sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Isang misa ng pasasalamat ang inialay ng lokal na pamahalaan ng Alaminos sa pamumuno ni Mayor Arth Bryan Celeste.
Kasabay nito ang blessing ng Hundred Island National Park Esplanade, 3D Ground Mural Painting, Souvenir Shops at ang Lucap Entertainment Area.
Mula July 1, 2020 hanggang August 31, 2020 ay bukas na ang naturang pasyalan para sa mga residente ng Pangasinan District 1.
Sa pagbubukas nito ay isinaalang-alang ang mga health protocol tulad na lamang ng 50% capacity nito araw-araw o aabot sa isang libo (1,000) lamang na hinati sa tatlong katergorya na sa Lucap Park ay 750 guest, Bued ay 150 guest at sa Bolo ay 100 guest.
Sa bawat tour ay magsisimula ito mula ala-6:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
Limitado rin ang sakay ng bawat motor bancas na maghahatid sa bawat bisita upang maayos na naobserbahan ang social distancing.
Ang pagtatalaga ng guidelines ay bilang pag-iingat sa pagkakaroon at pagkakahawa-hawa ng sakit sa mga bisita.