HUNDRED ISLANDS NATIONAL PARK SA ALAMINOS CITY, HIGIT DINAYO NITONG HOLIDAYS

Patuloy na dinarayo ng mga turista ang ilang pasyalan sa Pangasinan upang sulitin ang bakasyon bago magbalik sa trabaho at eskwela.

Tulad ng Lucap Park sa Hundred Islands, Alaminos City na dinarayo ng mga turista para mag island hopping.

Tampok sa mga isla ang ilang watersports activities, boat at inflatable rentals.

Kasabay nito ang pinaigting na pagbabantay sa kaligtasan ng mga bisita kabilang ang paglalatag ng first aid stations sa mga pasyalan.

Matatandaang patuloy ang pagsasanay sa mga personnel at maging mga miyembro ng komunidad para sa emergency response at kaalaman sa pagrescue sa katubigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments