Thursday, February 19, 2026

HUNDRED ISLANDS NAT’L PARK MANAGEMENT SYSTEM, INILUNSAD

Mas pinaigting ng mga eksperto at lokal na pamahalaan ang pangangalaga sa Hundred Islands National Park sa pamamagitan ng paglulunsad ng isang makabagong management system na magpapalakas sa paggamit ng siyensya at datos sa pamamahala ng parke.

Pormal na inilunsad ang Hundred Islands National Park (HINP) Management System sa Lucap Park Activity Center sa pangunguna ng Pangasinan State University, katuwang ang pamahalaang lungsod ng Alaminos at ang Department of Science and Technology – Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (DOST-PCIEERD).

Layunin ng inisyatibo na gawing mas episyente, sistematiko, at pangmatagalan ang pangangalaga sa parke habang pinananatili ang balanse sa pagitan ng turismo at konserbasyon.

Dumalo sa aktibidad ang mga kinatawan ng pambansa at lokal na pamahalaan, pamunuan ng unibersidad, at mga tourism stakeholder bilang patunay ng pagtutulungan para sa mas maayos na pamamahala ng isa sa mga pangunahing destinasyon ng turismo sa bansa.

Facebook Comments