Kinilala ng bansang Hungary ang husay ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) partikular ang kanilang ambag sa Hungarian society.
Ayon kay Hungarian Minister of Foreign Affairs and Trade Peter Szijjarto, may magandang dahilan ang Pilipinas upang ipagmalaki ang mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa kanilang bansa.
Aniya, napakaganda ng feedback mula sa mga employer dahil nirerespeto nila ang kanilang mga Pilipinong manggagawa dahil sila ay masipag, disiplinado, at madaling makipag-integrate.
Sinabi naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na natutuwa siya sa malaking ambag ng mga OFW sa pang-araw-araw na buhay ng mga Hungarian.
Disyembre 2023 ay mayroong 16,098 na Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa Hungary na malaki ang ambag sa lokal na ekonomiya at kultura ng bansa.
Sinasabing karamihan sa kanila ay nagtatrabaho bilang mga automotive technician, machine operator, driver, forklift operator, operator, truck driver, logistics professional, at manggagawa sa hotel, bukid, at bodega.