Hungary nagbigay ng tulong pinansyal para sa mga biktima ng Jolo twin bombing

Nagkasundo ang Pilipinas at Hungary na lalo pang paigtingin ang bilateral relations o ugnayan ng dalawang bansa.

Sa kanyang pulong kay Hungarian Foreign Minister Peter Szijjarto sa Budapest, pinasalamatan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin ang Hungary para sa agarang tulong na P10 million hungarian forint o katumbas ng P1.8 milyong piso para sa mga biktima ng kambal na pagsabog sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu noong Enero at pakikiisa nito sa Pilipinas sa paglaban sa terorismo.

Pinagtibay ng Pilipinas at Hungary ang kanila commitment o pangako sa pangangalaga sa Christian Minorities na apektado ng karahasan sa iba’t-ibang conflict areas sa buong mundo.


Pinasalamatan din Secretary Locsin ang Hungarian Government sa pag-unawa at suporta sa mga polisiya ng gobyerno ng Pilipinas kabilang na dito ang kampanya laban sa iligal na droga.

Samantala, nagpahayag naman ng interes ang Hungarian Government sa kooperasyon para sa rehabilitasyon ng Laguna de Bay sa pagsasabing mayroon itong water technology at expertise upang suportahan ang kahalintulad na proyekto.

Facebook Comments