Hurricane Harvey, nag-iwan ng dalawang patay sa Texas

World – Dalawa na ang patay sa malawakang baha dala ng hurricane Harvey sa Texas.

Higit 2,000 naman ang inilikas.

Umabot ng hanggang dibdib ang baha matapos umapaw ang Brussels River.


Sa taya ng weather bureau, halos 50 pulgada ang ibinuhos nitong ulan o katumbas ng average na ulan para sa isang buong taon.

Ito na ang pinakamalakas na bagyo na tumama sa Texas sa loob ng 50 taon.

Facebook Comments