Hurricane Irma binayo ang Caribbean Islands

World – Umabot na sa 13 tao ang naitalang casualties sa pananalasa ng hurricane Irma sa Caribbean Islands.

Sa pinakahuling datos, dalawa ang patay sa St. Martin at St. Barts habang tatlo naman ang nasawi sa Antigua at Barbuda.

Ipinag-utos na ni US President Donald Trump ang force evacuation sa Florida at nagdeklara ng state of emergency Sa Puerto Rico at US Virgin Islands.


Ang hurricane Irma ang sinasabing pinakamalakas na bagyong tumama sa rehiyon sa loob ng ilang dekada taglay ang hanging aabot sa 295 kilometers per hour bago tumama sa kalupaan.

Facebook Comments