Manila, Philippines – Pangalawang beses nang nag-landfall ang hurricane Irma sa Florida.
Nakataas ito sa category 3 at pinag-iingat pa rin ang mga residente sa storm surge o daluyong dahil sa patuloy na malakas na hangin at ulan.
Kasabay nito, nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Washington, DC sa mga filipino community leaders at sa honorary consul ng embahada sa estado ng Florida para pa rin sa pagbabantay sa mga pilipinong naninirahan doon.
Ayon kay Darell Ann Artates, Vice Consul at Public Diplomacy Officer ng Philippine Embassy sa Washington, DC – kahapon pa lamang ay nagpatupad sa Florida ng mandatory evacuation lalo na sa mga lugar na inaasahang dadaanan ng bagyo.
Tiniyak ni Artates na babantayan nila ang sitwasyon sa Florida kung saan higit sa 450,000 na mga Pilipino ang nakatira at sa estado ng Georgia.