HURRICANE MICHAEL | Filipino community sa Amerika, pinaghahanda

Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino sa 5 southeastern states ng Estados Unidos.

Ito ay dahil sa inaasahang pananalasa ng Hurricane Michael.

Sa ulat kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ng Philippine Embassy sa Washington, D.C inabisuhan narin nila ang Filipino Community sa Alabama, Florida, Georgia, North Carolina at South Carolina na mag-ingat at i-monitor ang galaw ng bagyo at sundin ang payo ng mga otoridad para sa kanilang kaligtasan.


Kasunod nito pinapayuhan ni Ambassador Jose Manuel Romualdez ang higit sa 232,000 members ng Filipino community sa mga nabanggit na lugar na maghanda laban sa storm surges, heavy rainfall at hurricane-force winds hanggang Huwebes.

Sa pagtaya ng National Hurricane Center ang Hurricane Michael ay nasa category 3 at inaasahang magla-landfall bukas.

Facebook Comments