Nagningning ang gabi sa istasyon ng IFM Dagupan dahil sa makulay na Christmas Tree Lighting at dahil din sa talento ng mga Pangasinenseng sumalang sa Pinoy Caroling Contest na nag-alay ng mga awitin ngayong kapaskuhan.
Ito ay taunang selebrasyon na may layuning hindi lamang magbigay ng saya at liwanag ngayong kapaskuhan, kundi magbigay din ng plataporma upang maipakita ang talento ng mga Pangasinense.
Wagi sa patimpalak si Mark Kevin Gamboa na residente ng Brgy. Carael sa Dagupan City dahil sa kaniyang madamdaming pag-awit ng ‘Pasko na Sinta ko’. Inspirasyon umano nito ang kaniyang magulang sa pag-awit dahil kung wala sila, wala umano ang kaniyang talento. Tumanggap ito ng Cash prize, iFM tshirt at ACS gift pack.
Bilang bahagi ng serbisyo publiko ngayong taon ng IFM Dagupan, hinandugan ng grocery gift pack ang sampung Idol na nagpakita ng katapatan, kasiyahan, suporta at pagsusumikap sa buhay.
Naway ang masayang pasko mula sa amin ay makarating sa inyong tahanan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨