Hustisya, abot kamay na ng mga biktima ni Pastor Apollo Quiboloy – Senator Risa Hontiveros

Naniniwala si Senator Risa Hontiveros na abot kamay na ngayon ng mga victim-survivor ang hustisya matapos na madakip ng mga awtoridad si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy sa loob mismo ng KOJC compound.

Tinitiyak ni Hontiveros na mananagot si Quiboloy at hindi na nito matatakasan pa ang batas.

Pinuri rin ng senadora ang mga law enforcement agency sa walang kapagurang pagsisikap at dedikasyon na mahuli ang pastor sa kabila ng mga taktika at matinding pagtatago na ginawa ni Quiboloy.


Magpapatuloy din aniya ang imbestigasyon ng Senado sa mga umano’y pangaabusong ginawa ni Quiboloy sa mga kababaihan at batang miyembro ng KOJC.

Pagbabanta pa ni Hontiveros na bilang na ang mga araw ni Quiboloy ng paghahari-harian, pambabastos sa batas at pang-aabuso sa mga Pilipino.

Facebook Comments