HUSTISYA | Anak ng napatay na Tanuan Mayor Antonio Halili, umapela kay P-Duterte na linisin ang pangalan ng kaniyang ama

Manila, Philippines – Umapela ngayon ang anak ng napatay na si Tanauan Mayor Antonio Halili kay Pangulong Rodrigo Duterte na nilisin ang pangalanan ng kaniyang ama.
Sa naging pahayag ni Angeline Halili, sinabi nito na si Pangulong Duterte ang tanging pag-asa nila para makamit ang hustisya at umaasa rin ang kanilang pamilya na makakadalaw ito sa burol ng kanyang ama.
Matatandaan na unang naghinala ang pamilya Halili na may kinalaman umano ang gobyerno sa assassination ng kanilang padere de pamilya pero ngayon ay umaasa sila na matutulungan sila ng gobyerno para maresolba ang kaso.
Nanatili naman matatag ang pamilya Halili at tiniyak na hindi sila titigil para makuha ang hustisya.

Facebook Comments