Nagbabala si Vice President Leni Robredo na may ilang tao na gagamitin ang karumal-dumal na pagpatay sa mag-iina sa Tarlac para magwatak-watak ang mga Pilipino.
Ito ang sinabi ng Bise Presidente kasabay ng panawagan niya ng hustisya at makataong pagtugon sa insidente.
Ayon kay Robredo, may mga tao na ibubunton ang sisi sa indibiduwal na humila ng gatilyo, na tila hindi bahagi ng malawak na “architecture of impunity.”
Sa kabila ng magkakaparehas na estilo ng brutalidad, pinapayagan pa rin ng liderato na manatili ang mga ito na manatili sa serbisyo.
Sinabi pa ni Robredo na may ilang sektor ng lipunan ang magdudulot ng dibisyon sa pagitan ng mga pulis at ng mamamayan, gamit ang insidente para gawing bulag ang mga tao mula sa mga problemang bumabalot sa law enforcement.
Nagpapaabot ang Bise Presidente ng simpatya ang pakikiramay sa pamilya nina Sonya at Frank Gregorio kasabay ng pagkondena sa pagpatay sa mga inosente sa mga nagdaang taon.