HUSTISYA | Hatol ng korte sa 3 pulis na sangkot sa Kian slay, babala sa law enforcement agencies – DOJ

Manila, Philippines – Iginiit ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang hatol ng korte sa mga pulis na pumatay sa teen-ager na si Kian Lloyd Delos Santos ay babala sa lahat ng law enforcers sa bansa na gawin ang trabaho ng naaayon sa batas.

Tiniyak naman ni Guevarra na mas mapag-iibayo pa ang operasyon kontra droga ng may pag-iingat sa pagtalima sa mga umiiral na batas sa bansa.

Nanindigan naman si Guevarra na hindi mapipigil ng naging hatol ng Caloocan Regional Trial Court, ang war on illegal drugs ng administrasyon.


Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi rin anya maaring sabihin na ang naging pasya ni Judge Rodolfo Azucena Jr ay ang kabuuan na ng war on drugs ng Duterte administration.

Ang DOJ ang nagsampa ng kaso sa Caloocan RTC laban sa tatlong pulis na nahatulang guilty sa kasong murder kaugnay ng Kian Delos Santos case.

Facebook Comments