Hustisya hiling ng mga kaanak ng Maguindanao Massacre Victims kay Presidente Duterte

AMPATUAN, MAGUINDANAO-Nagsusumamo ngayon kay Presidente Rody Duterte ang lahat ng mga kaanak ng mga nabiktima sa Maguindanao Massacre na sanay matulungan sila na mapabilis ang ginagawang paglilitis at maparusahan ang dapat maparusahan.

Kanina nga ay kanya kanyang nagpahayag ng kani kanilang mga saloobin ang mga ito kasabay ng programang isinagawa sa Massacre Site sa Sitio Masalay Brgy Salman, Ampatuan bilang pagunita ng ika walong taong anibersaryo ng karumal dumal na pangyayari na nagresulta sa kamatayan ng 58 katao na kinabibilangan ng 32 mamamahayag.Bumuhos rin ang emosyon ng mga ito at patuloy na sumisigaw ng katarungan at hustisya.

Pinangunahan ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu ang pag aalay ng panalangin, kandila, bulaklak, at pagpapalipad ng puting lobo . Isa si Gov. Toto sa nawalan ng mga kaanak at mahal sa buhay sa brutal na insidente.


Samantala sa kaunaunahang pagkakataon ay nagtungo at nakidalamhati sa Massacre Site si ARMM Governor Mujiv Hataman. Kasama rin nitong dumalo sa programa si MGEN Arnel Dela Vega ng 6th ID , mga Brigade Commander na sina Gen. Sarsagat, Gen. Samarita, Gen. Carreon at Gen. Soliba , DENR ARMM Sec. Jack Kedtag at DILG ARMM Sec. Kirby Abdullah.

Facebook Comments