Hustisya, Hiling ng Pamilya ng Batang Namatay na Tinanggihan Umano ng Isabela Provincial Hospital!

Hustisya ang sigaw ngayon ng pamilya ng batang babae na namatay sa bayan ng Tumauini, Isabela dahil sa di umanoy pagpapabaya at pagtanggi ng Provincial Hospital noong siya’y dalhin noong gabi ng April 14, 2020.

Ayon sa ama ng namatay ng 11 taong gulang na bata na si Ginoong Sonny Taccad na residente ng Brgy. Cumabao ng Tumauini, unang sinuri ang kanyang anak sa isang clinic matapos na mahirapang makahinga ang bata at lumabas sa findings ng Doktor na mayroon itong severe Pneumonia.

Nagbigay aniya ng refferal ang Doktor na unang sumuri sa bata na dalhin ito sa Gov. Faustino N. Dy, Sr. Memorial Hospital sa Lungsod ng Ilagan dahil sa kakulangan umano ng Duktor ng mga gamit para sa pasyente.


Nang madala ng pamilya sa provincial hospital ang bata ay hindi manlang umano ito binigyan ng first aid ng ospital at sinabi umano na dalhin ang pasyente sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City.

Ayon pa kay Ginoong Taccad, buhay pa aniya ang kanyang anak noong sila ay bumabyahe nang gabing iyon patungong CVMC subalit nang makarating na sa ospital ay binawian na ng buhay (Dead on Arrival) ang dalagita.

Giit pa ng ama ng batang nasawi, may tsansa pa sanang mabuhay ang kanyang anak kung inasikaso agad ito ng Provincial Hospital.

Facebook Comments