HUSTISYA | Human rights group, ikinatuwa ang hatol ng Caloocan RTC sa Kian case

Manila, Philippines – Pinasalamatan ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga nasa likod ng pagkamit ng hustisya para sa menor de edad na si Kian Delos Santos.

Kasabay nito, nanawagan ang CHR sa gobyerno na paigtingin ang kanilang mga aksyon para mabigyan ng hustisya ang lahat ng biktima ng extra judicial killings o EJK.

Para naman sa grupong Human Rights Watch, ang paghatol ng guilty sa tatlong pulis Caloocan ay isang babala sa mga miyembro ng PNP para na respetuhin ang due process at karapatan ng mga sibilyan.


Pero para sa Child Rights Network, partial victory pa lamang ang nangyari sa kaso ni Kian.

Ito ay matapos na hindi mahatulan ng guilty ang mga pulis sa kasong pagtatanim ng baril at droga kahit may mga ebidensyang sumusuporta rito.

Facebook Comments