HUSTISYA | Joanna Demafelis, ihahatid na sa kanyang huling hantungan ngayong araw

Manila, Philippines – Ililibing na ngayong araw sa bayan ng Sara, Iloilo si Joanna Demafelis, ang Overseas Filipino Worker na natagpuang patay sa loob ng freezer sa Kuwait.

Ihahatid sa kaniyang huling hantungan si Demafelis mamayang ala-una ng hapon.

Bago ito, nagsagawa muna ng necrological service ang pamilya Demafelis sa huling lamay ng OFW.


Kasabay nito, isang resolusyon ang pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Sara na komokondena sa pagpatay kay Demafelis.

Facebook Comments