Naniniwala ang Malacañang na malapit nang makamit ng mga biktima ng Maguindanao massacre ang hustiya sa kabila ng mabagal na usad ng kaso.
Ito ay kasabay ng paggunita ng ika-siyam na anibersaryo ng Maguindanao massacre ngayong araw kung saan 58 tao ang marahas na pinatay.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tiwala sila sa trabaho ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa kaso.
Gayunman, tumanggi si Panelo na sagutin kung maco-convict ang dati niyang kliyente na si Andal Ampatuan Jr.
Una nang sinabi ng DOJ na submitted for decision na kaso.
Giit naman ni Atty. Gilbert Andres, ng grupong centerlaw na kumakatawan sa 19 complainants, kumpiyansa silang papabor sa kanila ang magiging hatol ng korte.
Kampante naman si Justice Secretary Menardo Guevarra na malakas ang ebidensiya laban kay Ampatuan bagama’t aminado siyang may mas maibibilis pa sana ang kaso.