HUSTISYA | Malacañang, tiniyak na pananagutin sa batas ang mga pumatay kay General Tinio Mayor Ferdinand Bote

Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inaasahang magsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya sa panibagong krimen para mapanagot ang mga nasa likod ng pagpaslang sa alkalde.

Ipinapaabot din ng palasyo ang pakikiramay nito sa pamilya ni Bote.


Sa inisyal na ulat, itinumba si Bote ng isang armadong suspek habang nasa loob ito ng kanyang sasakyan sa Cabanatuan City.

Facebook Comments