HUSTISYA | Mga kaanak ng mga nasawi sa Maguindanao massacre, nanawagan

Nanawagan sa Korte Suprema ang mga pamilya ng 58 napaslang sa Maguindanao massacre na gumawa ng karagdagang hakbang para sa mas mabilis pang pag-usad ng paglilitis sa kaso.

Hanggang ngayon kasi, nananatili pa anilang mailap ang hustisya sa mga biktima.

Itinuturing ng Committee to Protect Journalist (CPJ) ang masaker bilang “single deadliest event for journalists” sa kasaysayan.


Mula 58 biktima, 34 sa kanila ay mga mamamahayag na magko-cover sana ng isusumiteng Certificate of Candidacy (COC) ni dating Buluan Mayor Esmael “Toto” Mangudadatu para sa pagka-gobernador ng Maguindanao.

Inaasahan naman na makapagpapalabas na ng desisyon ang Quezon City Regional Trial Court (RTC) sa kaso makaraang tapusin na ng kampo ni dating Datu Unsay Maguindanao Mayor Andal Ampatuan Jr. ang pagprisinta ng ebidensya.

Facebook Comments