HUSTISYA | Most wanted person na sangkot sa pagpatay sa SAF 44, naaresto na

Maguindanao – Nadakip ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang isinagawang Oplan Pagtugis at Oplan Omega ang most wanted person-national level sa Barangay Manungkaling, Mamasapano, Maguindanao.

Ayon kay PNP-ARMM Spokesperson Police Senior Inspector Jemar Delos Santos alas-4:30 ng hapon kahapon ng maaresto ang wanted.

Kinilala itong si Rolando Samal alyas Blackmoro Samal at Rex Samal.


Si Samal ay nahaharap sa kasong direct assault with murder 44 counts na walang pyansa.

Si Samal ay sangkot sa pag masaker sa 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) sa Barangay Tukanalipao Mamasapano Maguindanao noong taong 2015.

Nakuha sa suspek ang isang unit ng kalibre 45 armscor at isang magazine na may limang live ammunition.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng CIDG ARMM ang suspek.

Facebook Comments