Manila, Philippines – Positibo ang tugon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pahayag ng palasyo na bukas itong makipagdayalogo sa mga pinuno ng simbahang Katolika sa Pilipinas.
Sinabi ni CBCP – Permanent Committee on Public Affairs Executive Secretary Father Jerome Secillano, na isa itong welcome development para sa panig ng simbahan at gobyerno.
Ayon kay Father Secillano, sakaling tanggapin ng mga lider ng CBCP ang dayalogo, kailangan ay may tiyak na agenda ang magkabilang panig para hindi maging kuro-kuro ang kahinatnan ng usapan.
Ang pahayag ng malakanyang at CBCP tungkol sa posibleng dayalogo ay dahil sa magkakasunod na insidente ng pagpatay sa mga pari gayundin ang batikos simbahang Katolika sa Administrasyong Duterte.