Hustisya, nangibabaw sa pag-abswelto kay Senator Bong Revilla sa mga kaso kaugnay sa PDAF scam

Para kay Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., nangibabaw ang hustisya sa pag-absweldo sa kanya ng Sandiganbayan sa kasong graft kaugnay sa pork barrel scam.

Dahil dito ay nagpasalamat si Revilla sa lahat ng patuloy na nagmahal, nanalangin, nagbigay ng kanilang tiwala at suporta sa kanya at pumanig sa katotohanan na kailanman ay hindi siya nasangkot sa graft and corruption.

Diin ni Revilla, ang pasya ng Sandiganbayan ay patunay ng noon pa niya iginiit na walang basehan ang mga akusasyon at siya ay biktima lamang ng masamang pulitika.


Ayon kay Revilla, ito ang dahilan kaya sa kabila ng pagwasak sa kanyang pangalan at pagkatao ay hinarap niyang lahat ng buong-buo.

Ngayong lumabas na ang katotohan ay sinabi ni Revilla na makakausad na siya para lubos pang mapagsilbihan ang bansa at mamamayang Pilipino.

Facebook Comments