HUSTISYA | Pagpataw ng parusang kamatayan sa mga amo ng ni Joanna Demafelis, ikinalugod ng DOLE

Manila, Philippines – Ikinalugod ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang desisyon ng Kuwait court laban sa mga dating employer ng pinatay na OFW na si Joanna Demafelis.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa mga amo ni Joanna ay pagpapakita ng Kuwaiti government ng sinseridad sa pagbibigay ng hustisya sa manggagawang Pilipina.

Nakumpirma rin ni Bello ang ‘death sentence by hanging’ kina Nader Essam Assaf at Mona Hassoun sa pamamagitan ni Kuwaiti Ambassador to the Philippines Saleh Ahmad Althwaikh.


Una nang binanggit ng kalihim na nasa kamay na ni Pangulong Rodrigo Duterte kung aalisin ang deployment ban ng mga Filipino household service workers sa Kuwait.

Facebook Comments