HUSTISYA | Pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili, ginawang priority case na ng DILG

Manila, Philippines – Inatasan ni Interior and Local Government officer-in-charge Eduardo Año ang mga pulis na iprayoridad ang pagresolba sa kaso ng pagpatay kay Tanauan Mayor Antonio Halili.

Inutusan rin ni Año si Calabarzon Police Director Chief Superintendent Edward Carranza na tingnan ang lahat ng anggulo at posibleng motibo sa pagbaril kay Halili.

Kasabay nito, tiniyak ng DILG na hindi sila titigil hangga’t hindi nahuhuli at hindi naibibigay ang hustisya sa naturang insidente.


Si Halili ay binaril-patay ng unidentified gunman sa gitna ng flag raising ceremony at harap mismo ng City Hall.

Matatandaan na naging kontrobersiyal ang naturang alkalde sa “walk of shame campaign” nito sa laban sa mga drug suspects at iba pang krimen.

Facebook Comments