HUSTISYA | Pamilya Demafelis, umaasang makakamit ang hustisya ng kanilang kaanak na si Joanna Demafelis

Manila, Philippines – Umaasa ang pamilya Demafelis na makakamit ang hustisya sa pagpatay sa kanilang kaanak na OFW na si Joanna Demafelis.

Kahapon, inihatid na sa huling hantungan ang mga labi ni Joanna sa bayan ng Sara, Iloilo.

Nagpapasalamat naman ang ama ni Joanna na si Crisanto sa mga nagpapaabot ng pagmamahal sa kanyang anak.


Inihandog ni Labor Sec. Silvestre Bello III sa pamilya ang mahigit sa 700,000 pesos life insurance ni Demafelis.

Kakasuhan aniya ng murder na may parusang bitay ang mga pangunahing suspek sa pagpatay kay Demafelis.

Naninindigan din si Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili ang deployment ban sa Kuwait hangga’t hindi nakakamit ang hustisya para kay Demafelis.

Facebook Comments