Hustisya, panawagan ng pamilya ng 52-anyos na lola na binaril sa leeg ng isang pulis sa Quezon City

Hustisya ang sigaw ngayon ng pamilya ng 52-anyos na lola na malapitang binaril sa leeg ng isang pulis sa Sitio Ruby, Barangay Greater Fairview sa Quezon City.

Sa interview ng RMN Manila kay Beverly Luceño, anak ng pinaslang na si Lilybeth Valdez, sinabi nito na nakasalubong lang ng kanyang ina sa tindihan kagabi ang pulis na si Master Sergeant Hensie Zinampan nang sinundan siya nito at saka binaril.

Kwento ni Luceño, dati nang nagkainitan ang kanyang kapatid na lalaki at ang kapitbahay na pulis noong May 1, 2021 dahil sa kalasingan.


Aniya, upang hindi mapag-initan ay pinalayo nila ang kanyang kapatid pero simula noon ay palagi na umano silang pinagbabantaan ni Zinampan.

Agad inireport sa pulisya ang insidente kaya naaresto ang suspek.

Disyembre 2020, kasagsagan ng isyu ng pamamaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang Gregorio sa Tarlac, nag-post sa Facebook si Zinampan na hindi lahat ng pulis ay masama at isa aniya siya sa mabubuting pulis.

Facebook Comments