HUSTISYA | Pangunahing suspek sa pagpatay kay Father Richmond Nilo, naaresto na

Manila, Philippines – Nadakip na ng Philippine National Police (PNP) ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Father Richmond Nilo.

Kinumpirma ito ni PNP Chief Oscar Albayalde kasabay nang mismong araw ng libing ng pari sa Nueva Ecija.

Ayon kay Albayalde, naaresto ang suspek na si Adell Roll Milan sa Bgy Malapit, San Isidro, Nueva Ecija, alas-6:30 kagabi.


Itinuro at kinilala ng altar boy ng simbahan ang suspek kay Father Nilo.

Napag-alamang tatlo ang posibleng motibo ang sinasabi ng Special Investigation Task Group sa pagpatay sa pari: away sa lupa, pagtulong ng pari sa biktima ng pangmomolestya at alitan sa relihiyon.

Matatandanag nitong Linggo, habang naghahanda para magmisa sa kapilya ng Nuestra Señoras Dela Nieve sa Barangay Mayamot, Zaragosa, Nueva Ecija ay pinagbabaril si Father Nilo ng 2 lalaking nakamotorsiko kaya ito napatay.

Facebook Comments